2010 Elections

Excited ako kahapon..promise.. Election day. Maaga akong gumising para bumoto.

Til my mom told us there’s a long line in our precint. I opened the TV and saw the sentiments of many. Ang haba ng pila– tulakan, siksikan, palitan ng pawis, hilo, amok!

Huwat?! Since clustered na ang mga precints, humaba ang pila. Idagdag mo pa ang pagpalya ng PCOS machines. Lagot!

Comeback film ang drama ng isa kong kapatid. Nagpunta sya sa presinto to vote pero dahil singhaba ng pila sa Titanic ang pila sa aming presinto, napilitan syang mag-ala Ruffa G (walkout). E kasi naman, nasa 3rd floor ang presinto namin, hanggang ground floor ang pila! At, may waiting pa ha! May work pa sya so di na nya kinayang maghintay.

Umalis ako ng 1.30..Ang init di ba? Inisip ko kasi at least may sapat na panahon ako sakaling mahaba pa din ang pila!

Papuntang iskul kung san ako boboto eto ang bumungad saken:

Watdapak?! Ang alam ko tapos na ang pyesta!!

Pagdating sa loob, eto ang bahagi ng pila sa aming presinto..Paikot pa yan sa baba ha..di ko na nakunan ng larawan sa haba!

Yung nasa taas ang pila–yang si manong-dedmahin nyo lang =)) Syet! Pila to the max! Pila ba ito ng bigas? Lotto? pelikula ni Juday?

Time check: 1.30pm..Syet, gudlak sa maskels ko kakapaypay! Akalain mong 3.10pm na ako nakapasok at nakaboto.

Sakto lang sa paghihintay di ba? Inferness, di umabot ng 2 hours,Yung iba kaya 4 hours! kaya yehey pa din di ba?

Mahirap magshade.Baka lumampas. At one point, nanginig pa kamay ko.Tinanggap ko na malamang mareject si dear ballot ko.Pero mabait ang mga diwata at mga lambana! Tinanggap ng PCOS machine at may umalagwang- CONGRATULATIONS!

Yehey! Im proud!

..sana naedit ko man lang ang larawang ito di ba? =))

Kung tutuusin, isang hakbang pa lang ang pagpili ng nararapat mamuno sa ating bansa. Madami pang dapat ayusin. Marami pang dapat gawin.

Kay sinimulan ko na sa pagpili ng taong sa tingin ko ay karapat-dapat.

  1. May 11th, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: